^

Metro

Sentido pinaputukan

-

Isang 28-anyos na guwardiya na si Alfred R. Concepcion ng Cutting Edge Security Investigating Agency ang namatay nang barilin niya ang kanyang sentido sa pamamagitan ng kanyang .38 kalibreng baril  habang nakikipag-inuman sa mga kapwa niya guwardiya sa rooftop ng binabantayan nilang Narzan Building sa West Triangle, Quezon City kamakalawa ng gabi. Gayunman, sinisiyasat ng pulisya kung may foul play na naganap sa insidente.  (Angie dela Cruz)

Timbog sa talbog na tseke

Isang 30-anyos na negosyanteng Intsik na si Zhang Jin Ye ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group sa loob ng kanyang tindahan sa 168 Mall sa Juan Luna St., Tondo, Manila kahapon  dahil sa mga reklamo laban sa kanya hinggil sa mga ipinalalabas niyang talbog na tseke.  Dinakip siya sa  bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Manila Regional Trial Court Judge Marlina Manuel. (Joy Cantos)

Pahinante grinipuhan

  Namatay ang isang pahinante nang patraydor itong saksakin ng kanyang tsuper matapos na magtalo ang mga ito dahil nagpupumilit ang biktima na sumama sa pagde-“deliver” ngunit ayaw naman ng suspek kahapon ng umaga sa lungsod ng Caloocan. Wala nang buhay nang ipasok sa  Manila Central University Hospital ang biktimang si Jimmy Chua, 32, binata, taga  Sarina Homes III ng na­banggit na lungsod. Kasalukuyang hinahanap ng pulisya ang  suspek na si Reynaldo Apsay, 48,  biyudo, at driver ng Filcast Marketing Corporation sa naturang lungsod. Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Chua at Apsay nang magpumilit ang una na sumama sa pagde-“deliver” ng iron tube hanggang sa saksakin ng suspek ang biktima.  (Lordeth Bonilla)

4 tiklo sa droga

  Nalambat ng Manila Police District ang apat na katao habang nasa aktong nagbebenta ng droga sa loob ng  kilalang food chain sa isang mall sa Arroceros, Manila kamakalawa  ng hapon. Hawak ngayon ng MPD-District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Group  ang mga suspek na sina Ali Abas, 26, ng Signal Village, Taguig City;  Anwar Uda, 20, ng Purok 3 Lower Bicutan, Taguig City; Nurhata Ali, 22, ng 4th State Sunrise Drive, Sucat, Para­ñaque City; at Bevelyn Maugan, 18, ng Leo­nida com­pound, Baclaran, Parañaque City. Na­kuha sa pag-iingat ng mga  suspect ang apat na trans­parent plastic sachet na shabu. (Doris Franche)

vuukle comment

ALFRED R

ALI ABAS

ANWAR UDA

BEVELYN MAUGAN

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with