Upang hindi lumaganap ang krimen laban sa mga kababaihan at para maiwasan na rin ang prostitusyon ay binigyan suporta ng pamahaaang lungsod ng Marikina ang panukala ni 1st District Rep. Marcy Teodoro na tanggalin sa mga internet café sa lunsod ang mga pornographic site. Sinabi pa ng alkalde na magagawa ito sa bisa ng City Ordinance 044, Series of 2006, na nagre-“regulate” sa mga establishment at operators ng mga computer shop at nagbabawal sa mga pornographic Web sites sa lahat ng internet cafés sa siyudad.
Pinuna niya na mga estudyante ang kadalasang gumagamit ng mga internet café kaya ang mga estudyante rin ang siguradong magiging biktima ng mga ganitong klase ng kalaswaan.
Dahil dito, bumuo na ang pamahalaang lungsod ng isang monitoring team na iikot sa mga internet café. (Edwin Balasa)