^

Metro

Sunog sa Divisoria nag ‘take 2’

-

Matapos  na ideklarang fire out ng mga tauhan ng Manila Fire Department, muli na namang su­miklab ang sunog sa Divisoria kahapon ng  madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Dakong alas -4 ng madaling-araw nang muling  pumutok ang sunog sa lugar na tumupok sa com­mercial-residential area  ng Divisoria. Umabot ng 12 oras ang naturang sunog. Nabatid na umaabot sa 20 commercial at residential structures  ang na­tupok  noong Biyer­nes ng hapon.

Nahirapan ang mga bumbero na ma­apula ang sunog dahil na rin sa masikip na daloy ng trapiko sa lugar at ang mga manininda na nasa kaldasa  patungong Sto. Cristo St.

Ang ikalawang pagsiklab ng sunog ay inabot naman ng  limang oras bago nasawata ng mga bumbero.

Hanggang ngayon ay inaalam pa ng  mga awtoridad  ang halaga ng danyos  ng natupok sa sunog. (Doris M. Franche)

vuukle comment

BIYER

CRISTO ST

DAKONG

DIVISORIA

DORIS M

MANILA FIRE DEPARTMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with