Bomber timbog sa Pasig
Naaresto ng mga kagawad ng Foreign Intelligence and Liaison Office (FILO) at puwersa ng Police ang isa sa mga miyembro ng Rajah Solaiman Movement (RSM) na wanted sa kasong rebellion at nadadawit sa naudlot na pambobomba sa Metro Manila na tinawag na ‘Big Bang.’
Kinilala ni Chief Inspector Cresenciano A. Ladicho, hepe ng Operation branch ng Pasig City Police ang suspect na si Abdul Kareem Ayeras, alyas Ricardo P. Ayeras, na naaresto sa Aglipay St., Brgy. Poblacion ng nasabing lungsod.
Si Ayeras ay mayroong warrant of arrest na ipinalabas ni Makati Regional Trial Court Branch 66 Judge Joselito Villarosa dahil sa kasong rebellion.
Ang suspect din ang itinuturong kasama ni Pio de Vera Feliciano ‘Abubakar’ Delos Reyes na nagplano sa isasagawa sanang “Big Bang” o malawakang pambobomba sa mga matataong lugar sa Metro Manila subalit napigilan ng awtoridad matapos na mabuko ang planong pambobomba.
Sa ulat, naaresto ang suspect dakong alas-3:20 ng hapon kamakalawa sa loob ng kanyang hideout sa nasabing lugar matapos na makatanggap ng intelligence report ang pulisya sa pinagtataguan nito
Si Ayeras din ang nangupahan sa bahay
- Latest
- Trending