^

Metro

Carjackers muling sumalakay sa QC

-

Matapos ang ilang buwang pagpapalamig, muli na na­mang sumalakay ang mga kilabot na carjacker sa Quezon City ma­tapos na tangayin ang isang mamahaling van buhat sa isang family driver, kahapon ng umaga.

Dumulog kahapon sa Ka­muning police station ang bik­tima na si Martin Bagsik, driver, kung saan iniulat nito ang pagka­tangay ng mina­maneho niyang itim na Nissan Patrol (XRW-998).

Sa salaysay nito, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng umaga sa tapat ng bahay ng kanyang amo sa #68 Scout Chuatoco, Brgy. Roxas, ng naturang lungsod.  Sinabi nito na ihahatid na niya sa paaralan ang mga anak ng kanyang amo nang dumating ang dalawang suspek na armado ng kalibre .45 baril.

Agad umano siyang tinu­tukan ng baril ng mga ito at sapilitang pinababa ng sasakyan.  Mabilis namang minaneho ng mga suspek ang van patungo sa direksyon ng Quezon Avenue.

Matapos ang insidente, saka lamang nagpakalat si Supt. Dante Narag, hepe ng Station 10, ng mga tauhan upang humabol sa mga suspek. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DANTE NARAG

MARTIN BAGSIK

MATAPOS

NISSAN PATROL

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

SCOUT CHUATOCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with