^

Metro

Dahil sa sakit na TB binata nagbaril sa sarili

-

Dahil umano sa matagal ng paghihirap dahil sa sakit na tuber­culosis (TB) nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili ang isang lalaki kahapon ng madaling araw sa Pasig City. Patay na ng matagpuan sanhi ng isang tama ng kalibre .38 baril sa kanyang sentido ang biktimang si Pantaleon Arabit , 37, binata at residente ng 918 Purok 5, Floodway Brgy. Sta. Lucia ng lungsod na ito. Dakong alas 5:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima. Nabatid sa kasama nito sa bahay na si Olive Villaruel 39, nasa kasarapan umano siya ng tulog ng magulantang sa isang putok na galling sa kanyang kalapit na kuwarto. Agad naman bumangon si Villaruel upang alamin ang pinanggalingan ng putok at laking gulat nito ng pagtungo nito sa kuwarto ng biktima ay nakita niya ang wala ng buhay na katawan nito na naliligo sa sariling dugo. Napag-alaman nito na tatlong taon na palang iniinda ng biktima ang kanyang sakit na TB dahilan ng mabilis na pagbagsak ng katawan nito. Kasa­luku­yan pang inaalam ng pulisya kung saan nakuha ng biktima ang baril na ginamit sa nasabing pagpapakamatay. (Edwin Balasa)

Chop-chop lady nabubuo na

Unti-unti ng malalaman ang misteryo sa likod ng chop-chop lady matapos na makuha na ang ikatlong parte ng katawan nito kamakalwa ng hapon sa ilog sakop ng Mandaluyong City. Dakong ala-1:45 kamakalawa nang makuha ang kanang braso ng chop-chop lady habang nakalutang ito sa ilog sa Brgy. Hulo ng lungsod na ito, Ang pagkakakuha sa isang braso ay pangatlong parte na ng katawan na nakuha sa hindi pa rin kilalang biktima, Unang nakuha ang  torso nito noong linggo sa kanto ng Lope K. Santos at J. Basa sa San Juan at pagkakapulot naman sa ulo nito nitong Lunes ng hapon na nakalagay pa sa lunchbox sa ilog din sa Man­daluyong. Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Pacific Funeral Parlor sa Mandaluyong ang torso, ulo at kanang braso ng biktima. Sinabi pa ng pulisya na sa ngayon ay naghi­hintay pa sila kung sino ang naghahanap sa nawawala nilang kaanak na babae at pinapayuhan nila na magtungo sa San Juan at Mandaluyong police upang malaman kung kanila ngang ka­mag-anak ang nasabing tsinop-chop na biktima. Patuloy ang pag­sasagawa ng follow-up operation ng pulisya para sa pagka­ka­tagpo pa ng ilang parte pa ng katawan ng biktima.  (Edwin Balasa)

BIKTIMA

CHOP

DAKONG

EDWIN BALASA

FLOODWAY BRGY

NITO

SAN JUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with