‘Pork checkpoints’ sa MM pinaigting pa
Ang hakbang ay kasunod ng pagkakasabat kamakalawa ng gabi ng isang jeepney na puno ng mga kargang karne ng baboy na hinihinalang nagtataglay ng hog cholera sa lalawigan ng Bulacan.
Nabatid na partikular na binabantayan ay ang hangganan ng Bulacan at hilagang bahagi ng Metro Manila matapos na makatanggap ng report na ibabagsak umano sa Balintawak market at iba pang mga pamilihan sa Metro Manila ang mga hot meat .
Ang PNP ay naalarma matapos ang sunud-sunod na pagkakasamsam ng naturang mga hot meat kabilang ang may 700 kilo ng double dead na karne ng baboy sa Pasay City kamakailan.
Samantala, dahilan sa napaulat ang pagkalat ng hog cholera sa 11 bayan ng Bulacan ay nagdagdag ng mga checkpoints ang pulisya sa mga bayan ng Malolos, Guiguinto, Sta. Maria at Bocaue kung saan inaasahan na tatangkain ng mga tiwaling negosyante na ipuslit patungong Metro Manila ang kanilang mga hot meat .
Sinabi ng PNP Chief na hindi dapat makalusot sa mga pamilihan sa Metro
- Latest
- Trending