^

Metro

Stenographer hinostage ng preso sa hearing

-

Labing- limang minu­tong hinostage ng isang preso ang isang stenographer ng Quezon City Regional Trial Court branch 88 kahapon ng alas-10:30 ng umaga.

Kasalukuyang isina­sa­gawa ni Judge Ro­sanna Maglaya ng RTC Branch 88 ang hearing sa armed robbery case ng preso na si Allan Car­bongco nang biglang tinapunan nito ng basag na crystal ang hukom na tumama naman sa wall clock ng sala.

Matapos nito, agad namang naglabas ng screw driver ang suspek   at saka hinostage ang court stenographer na si Melinda de Ocampo.

Makalipas ang 15 minuto, pinakawalan din ng suspek si de Ocampo matapos makumbinse ni PO1 Bobby Lomibao na noon ay witness sa isa pang kaso, na kumalma na ang suspek .

“Sinabi ko sa kanya na kumalma siya at pag-usa­pan ang problema, pinaka­walan din naman niya (suspek) si de Ocampo” pahayag ni Lomibao.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Prosecutor Ray­mond Lledo na una nang nagreklamo si Car­bongco na siya ay tinu-torture sa loob ng Que­zon City Jail.

Makaraan ang insi­dente, agad namang na­ibalik na sa QC jail ang sus­pek at doon ay patu­loy na iniimbestigahan.

Ginamot na sa pinaka malapit na paga­mutan si de Ocampo ma­tapos namang mag­tamo ng sugat sa mukha at galos ang biktima.

Patuloy ding inaalam ng QC police kung paano nakakuha ng screw driver ang suspek sa kanyang pang-hohostage kay de Ocampo. (Angie dela Cruz)

ALLAN CAR

BOBBY LOMIBAO

CITY JAIL

JUDGE RO

OCAMPO

PROSECUTOR RAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with