Bunga ng tatlong sunod na pagkasawi sa pag-ibig at mabigat na problema, mas pinili ng isang 17-anyos na dalagita na wakasan na
lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng laman ng isang silver cleaner kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Mary Johnstom Hospital ang biktimang si Anabelle Relleves, isang tindera at residente ng 513 Pavia St., Tondo.
Sa silid ni Relleves, nakita sa tabi ng kanyang bangkay ang isang bote ng silver cleaner at isang suicide note na nagsasaad ng paghingi ng kapatawaran sa kanyang pamilya dahil sa kanyang pagpapatiwakal.
Sinasabi umano ni Relleves sa kanyang liham na hindi na niya makayanan ang mga kabi guan niya sa pag-ibig.
Nabatid sa isang kamag-anak na tatlong beses nang nakipagrelasyon si Relleves sa lalaki na pawang mas nakakatanda rito at may asawa na.
Iniwan ng mga lalaki ang biktima matapos makuha ang nais nila rito.
Nagrerebelde rin umano ang biktima sa kanyang mga magulang dahil sa hindi umano nito nararamdamam ang tunay na pagmamahal. (Grace dela Cruz)