^

Metro

Biyuda shinotgun ng janitor, todas

-

Patay ang isang 66-anyos na negosyanteng biyuda makaraang pagbabarilin ito ng umano’y kanyang janitor sa loob mismo ng bahay ng una, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insi­dente ang biktimang si Araceli Bulay, ng Blk. 5, Lot 3, Ilang-Ilang St., T.S. Cruz Almanza, nabang­git na lungsod sanhi ng mga tinamong tama ng shotgun sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Arestado naman at kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Station Investigation Division ng Las Piñas City Police ang suspect na si An­thony Bacuro, 19, binata, kasambahay ng bik­tima at tubong-Eastern Samar. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Ilang kapitbahay naman ng mag-amo ang naka­saksi sa krimen at agad nilang isinuplong sa awtoridad ang suspect na nagresulta naman sa agaran nitong pakakadakip.Kasalukuyan namang isinasailalim ng pulisya sa masusing imbestigas­yon ang suspect upang alamin kung ano ang motibo nito sa pamamaslang sa ginang. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ARACELI BULAY

ARESTADO

BACURO

CITY POLICE

CRUZ ALMANZA

ILANG-ILANG ST.

LAS PI

ROSE TAMAYO-TESORO

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with