^

Metro

4 holdaper bumulagta sa QC

- Nina Joy Cantos at Angie Dela Cruz -

Apat na pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na rob­bery/holdup syndicates ang napaslang matapos na makipag­palitan ng putok sa mga opera­tiba ng Quezon City Police sa mag­kakahiwalay na operasyon sa nasabing lungsod kahapon ng madaling-araw.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa East Avenue Me­dical Center ang dalawang sus­pect na ang isa ay nakilalang   si Domel Mercado, habang patuloy pa ring inaalam ang pangalan ng isa pang kasamahan nito ng  Bgy. Tatalon, Quezon City sanhi ng tinamong tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Patuloy namang tinutugis ang isa pang kasama ng mga ito  na sugatang nakatakas.

Ayon sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang ma­ganap ang nasabing shoot­out sa pagitan ng mga suspect at ng mga kagawad ng QCPD-District Police Intelligence Unit sa panulukan ng P. Florentino St., at Araneta Ave., Bgy. Sto. Domingo.

Sinabi ni PO2 Joseph Madrid, may hawak ng kaso, nagsasagawa ng intelligence gathering ang DPIU nang aksi­denteng maispatan ng mga ito ang nangyayaring holdapan sa loob ng isang pampasa­herong jeepney.

Sa puntong ito ay nakita ng mga awtoridad ang tatlong sus­pek na pawang armado ng baril kung saan nang sitahin ay agad na nagpaputok bunsod upang magkaroon ng shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

 Bago ito ay  unang nakipag­barilan at napatay ng mga awto­ridad dakong alas-3 ng mada­ling-araw ang hindi pa kilalang holdaper nang holdapin nito ang biktimang si Venancio Sagum, 39, sa panulukan ng Kalayaan Ave. at Kamias Road, Anonas, ng nasabi ring lungsod.

Habang isa pang hindi rin kilalang holdaper ang napatay nang maaktuhang hinoholdap ang dalawang biktimang  sina Janette Manibog, 22, at Edel­fredo Dano, 42-anyos sa kaha­baan ng Commonwealth Ave.

Nagsasagawa na ng imbes­tigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan sa nasabing mga holdaper.

vuukle comment

ARANETA AVE

BGY

COMMONWEALTH AVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with