^

Metro

Malupit na ina arestado

-

Bagsak sa kulungan ang isang 26-anyos na ina makaraang pagmalupitan sa pamamagitan ng pambubugbog at pag-untog ng ulo sa pader ng kan­yang 4-an­yos na anak na ngayon ay nasa kritikal na kalagayan, kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Kasalukuyang nakapiit sa Pasay City Police ang malupit na ina na nakila­lang si  Maria Salvacion, ng Bgy. 172, F.B. Harrison St., nabanggit na lungsod na nahaharap ngayon sa kaukulang kaso.

Halos mabasag naman ang bungo at kasalukuyang ginagamot sa Philip­pine General Hospital (PGH) ang bik­tima na itinago sa pangalang “Lyka” na nagtamo rin ng mga sugat sa ulo at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan na gawa ng sariling ina.

Batay sa ulat ng Women’s Children and Concerned Desk (WCCD), dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insi­den­te sa loob ng bahay ng mag-ina sa na­banggit na lugar. Nagbunsod umano ang pagma­malupit ng ina dahil sa pagi­ging malikot na anak kaya nakuha nitong saktan at inun­tog pa sa pader ang ulo ng paslit.

Ilang kapitbahay naman ng mag-ina ang naglakas-loob na magsumbong sa Department of Social Welfare and Deve­lop­ment(DSWD)-Pasay City na nagre­sulta upang arestuhin ng pulisya ang una. Duguan naman ang biktima nang dalhin ito sa nasabing pagamutan ng kanilang mga kapitbahay.

Sa panayam naman ng PSN sa ama ng bata na ayaw magpabanggit ng pa­ngalan, matagal na raw niyang alam na sina­saktan ng kanyang misis ang ka­nilang anak subali’t nitong huling insi­dente raw ay naging marahas na ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

CHILDREN AND CONCERNED DESK

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVE

GENERAL HOSPITAL

HARRISON ST.

MARIA SALVACION

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with