^

Metro

6,533 security forces idedeploy sa ASEAN Ministerial Meeting

-

Umaabot sa kabuuang 6, 533 security forces ang imomobilisa upang manga­laga sa seguridad ng mga delegado at iba pang VIPs na dadalo kaugnay ng ga­ganaping ika-40 ASEAN Ministerial Meeting at 14 Regional Forum sa Philip­pine International Conven­tion Center (PICC) sa dara­ting na Hulyo 29-Agosto 2.

Ito ang inihayag kaha­pon ni Deputy Director General Avelino Razon Jr., National Task Force Com­mander  ng ASEAN sa gina­nap na Talakayan ng Isyung Pampulis na dumayo sa PICC kahapon.

Si Razon, kasama si Na­tional Capital Region Po­lice Office (NCRPO) Chief P/Director Reynaldo Varilla at iba pang opisyal ng PNP ay nagsagawa ng security inspection sa PICC na siyang venue ng pag­pu­pulong na dadaluhan ng 27 delegasyon na binubuo ng 4-6 katao bawat isa mula sa sampung bansa sa ASEAN at ilang kaalyado nito.

Kabilang dito ay ang Japan, Malaysia, Republic of Korea, Thailand, Viet­nam, Myanmar, China, India, Brunei, Indonesia, Mongolia, Malaysia, Pakis­tan, Srilanka,   Bangladesh, mga kaalyadong bansa mula sa Canada, Russia, New Zealand Australia, Papua New Guinea, Laur, Timor Leste,  Estados Unidos atbp.

Ayon pa kay Razon, ang 6,533 security forces ay bubuuin ng 600 tauhan ng Armed Forces of the Philip­pines-National Capital Re­gion Command (AFP-NCRCOM),  200 mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA) , 45 mula sa Philippine Coast Guard (PCG) at ang nalalabi pa ay mula naman sa mga ele­mento ng PNP.

Sinabi ni Razon na ba­gaman wala naman silang natatanggap na intelligence report hinggil sa posibleng paghahasik ng terorismo at kaguluhan ng mga terorista sa ASEAN Ministerial Meeting ay mas mabuti na ang nakahanda sa lahat ng oras para mapigilan ang anumang pananabotahe sa okasyon. (Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIP

CAPITAL REGION PO

CHIEF P

DEPUTY DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

DIRECTOR REYNALDO VARILLA

ESTADOS UNIDOS

MINISTERIAL MEETING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with