^

Metro

Brgy. chairman binistay ng bala, todas

- Danilo Garcia -

Isang barangay chair­man na nagpaplanong muling tumakbo sa nala­lapit na barangay elec­tions ngayong Oktubre ang nasawi makaraang bistayin ng bala ng tat­ long hindi pa nakikilalang sus­pek habang nakiki­pag­pulong ito sa kanyang mga opisyales, kamaka­lawa ng gabi sa Quezon City.

Agad na nasawi ma­tapos na magtamo ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan ang bikti­mang si Ronnie Sicat, 40, may-asawa, chairman ng Brgy. Central, ng naturang lungsod.

Patuloy namang nag­sa­sagawa ng imbesti­gasyon ang pulisya upang makilala ang mga suspek na mabilis na nagsitakas matapos ang krimen.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detec­tion Group (CIDG), na­ganap ang insidente da­kong alas-7:45 ng gabi sa loob ng Barangay Multi-Purpose Hall kung saan kapulong ng biktima ang kanyang mga kagawad at iba pang opisyales.

Ayon sa mga saksi, nag­sasalita pa umano si Sicat nang dumating ang tatlong armadong lalaki, pinagmumura ito saka sunud-sunod na pinapu­tukan.  Hindi naman naga­wang makatulong ng kan­yang mga tanod dahil sa nakatutok rin ang baril ng dalawa pang suspek sa kanila.

Matapos na matiyak na patay na ang biktima ay mistulang walang nang­yaring naglakad pa­palayo ang mga suspek kung saan dalawa sa mga ito ang sumakay ng pam­pasaherong jeep habang ang isa pa ay naglakad lamang.

Ayon sa mga kapa­nalig ng biktima, politika umano ang motibo ng naturang pamamaslang dahil sa malakas pa rin umano ang tsansa ng kapitan na muling manalo sa darating na eleksyon.  

Kasalukuyan ngayong nagsasagawa ng ma­susing imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung ano ang motibo sa pagpaslang at kung sino ang gumawa nito.

AYON

BARANGAY MULTI-PURPOSE HALL

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETEC

RONNIE SICAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with