^

Metro

60 video karera winasak, sinunog sa Maynila

-

Winasak at sinunog ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang may 60 video karera at fruit games machines na kanilang nakumpiska may ilang buwan na ang nakararaan sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga.

Ang pagsusunog sa natu­rang mga videos ay dinaluhan nina Manila Mayor Alfredo Lim at MPD-District Director Senior Supt. Danilo Abarsoza kung saan ito ay ginanap sa harapan ng Andres Bonifacio monument sa Arroceros St. sa Ermita.

Ang mga sinunog na video karera machines at fruit games ay nakumpiska simula pa noong Abril hangang Hulyo sa iba’t ibang lugar sa Tondo, Sam­paloc, Quiapo, Sta. Cruz at Blumentritt  sa Maynila bunsod sa kampanya ng pulisya laban sa illegal na sugal.

Lumalabas sa rekord ng MPD-Detective Beat Patrol, sampung video karera ang nakumpiska sa Elias at Estrada Sts. noong Abril 2007 habang 32 naman mula sa Tondo at Sam­paloc  mula sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo at 12 naman nitong buwan ng Hulyo sa Quiapo at Blumentritt. (Grace dela Cruz)

ABRIL

ANDRES BONIFACIO

ARROCEROS ST.

BLUMENTRITT

CRUZ

DANILO ABARSOZA

DETECTIVE BEAT PATROL

DISTRICT DIRECTOR SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with