^

Metro

8 batang nagmimiron sugatan: 2 paaralan nasunog

-

Sugatan ang walong bata matapos na tupu­kin ng apoy ang dala­wang pampublikong eskuwelahan  kahapon sa Sta.Cruz ,  Maynila.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Alvin Grego,7;John Allen Lozero, 9; Kevin Loza­da, 4;  Arly Guevarra, 15, Mar Alfren  Case­nas, 3; Roseann Re­yes,10; Lawrence Braseria, 15 at  Adrian Vitug, 14, na  pa­wang  nagtamo ng mga  sugat  sa katawan dahil sa ­umano’y pag-uus­yoso ng mga ito sa sunog.

Nabatid sa pulisya na si  Casenas  ay aksi­denteng nabundol  ng isang nagres­pon­deng  bumbero  at  ma­bilis  na isinugod sa Jose  Re­yes  Memorial  Medical  Center ha­bang ang  ibang  bik­tima  ay  tina­maan  ng  mga  bumag­sak  na tiles, kahoy  at  bato  sa  na­sunog  na  paaralan.

Ang naturang su­nog ay umabot sa ika-limang alarm na  nag­­si­mula  da­kong  alas- 12:27  ng  tang­hali  at  idi­nek­larang  fire-out  dakong  ala-1:45  ng  hapon.

Ang sunog ay  nagsi­mula  umano   sa   Francisco  Balagtas  Elementary School, sa  Habana 1 building at Habana 2 na kinalulugaran ng museum at library at  Gym  ng naturang  paaralan.

Halos  natupok  din  ang  kalahati  ng   Teo­doro  Alonzo High School. Hinihinalang isang nag-overheat na ben­tilador ang pinagmulan ng sunog. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ADRIAN VITUG

ALONZO HIGH SCHOOL

ALVIN GREGO

ARLY GUEVARRA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with