^

Metro

Gatas na may chlorine nainom, 1-anyos kritikal

-

Nasa kritikal na kon­disyon ang isang batang lalaki, na apo ng isang tab­loid photo journalist ma­tapos itong aksiden­teng makainom  ng oxalic acid (chlorine powder),  na ina­kalang asukal at  na­ihalo sa gatas ng bik­tima sa Calo­ocan City, ini­ulat ng pulisya kahapon.

Inoobserbahan pa hang­gang sa ngayon sa  Inten­ sive Care Unit (ICU) ng Ma­nila Central Univer­sity (MCU) Hospital ang bikti­mang si Khalil Isaac Peña, 1 taong gulang,  apo ni Nick Galino, photo­grapher ng pahayagang Tanod at nani­nirahan sa #76 Ma­sagana St., Sam­son Road ng na­sabing lungsod.

Sasampahan naman ng   kasong reckless im­pru­dence resulting to frustrated homicide ng  pulisya  si Lorena Guiller­mo, katulong ng kapit-bahay ni Galino sanhi ng umano’y kapa­bayaan nito.

Sa naantalang report na nakarating sa Calo­ocan City-PNP, naganap ang in­sidente, dakong ala-1 ng hapon noong Hulyo 19, 2007, nabatid na inu­tusan ni  Margareth (anak ni Ga­lino)  ang pitong taong gu­lang na anak na  si Kenneth Ian, na bumili ng asukal sa tindahan na pag-aari ni  Cynthia de Guzman, kapit­bahay ng pamilya ng bik­tima. Ka­tulong sa na­banggit na tindahan si  Guillermo.

Sa halip na asukal ang ibigay ay   oxalic acid ang na­­ibigay ni Guillermo hang­gang sa ito nga ang ma­ihalo sa gatas na kina­naw sa biktimang si Khalil Isaac. Nabatid na naihalo ang  chlorine sa itinitin­dang asukal.

Hindi pa nagtatagal ay bumula na ang bibig ng paslit hanggang sa isinu­god ito sa pagamutan. (Lordeth Bonilla)

CALO

CARE UNIT

CENTRAL UNIVER

GUILLERMO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with