^

Metro

Pekeng parak arestado

-

Arestado ang isang lalaki na nagpakilala bilang isang pulis makaraang ma­hulihan ito ng baril at nakasuot pa ng uniporme ng PNP nang sitahin dahil wala itong helmet sa pag­ma­maneho ng motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ang naarestong suspek na si Ricardo Ga­rilao 48, miyembro ng Rizal Provincial Security Division at residente ng Sitio Ma­islap, Brgy. San Isidro, Rodri­guez, Rizal. Ito ay nakasuot pa ng uni­porme ng PNP at nahu­lihan pa ng pekeng ID at baril nang ma­sabat ng check­point

Ayon sa ulat, dakong alas-6 ng gabi nang ma­sabat ang suspek sa kaha­baan ng Marcos Hi-way, Brgy. San Roque, ng na­sabing lungsod.

Nabatid na sinita ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo sa isang check­point sa nasabing lugar dahil wala itong suot man lang na helmet bilang pro­teksyon. Subalit nagpa­kilala itong kagawad ng pulisya kaya hinanapan naman ito ng ID at permit to carry firearms sa dala nitong baril.

Walang naipakitang papeles ang suspek ay agad   itong dinakip ng mga kagawad ng pulisya at dinala sa PNP head­quar­ters upang ikulong. Patung-patong na kaso naman ang isasampa ng awtoridad sa suspek na kaso dahil sa ginawa nitong pamemeke bilang isang opisyal ng PNP. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BRGY

EDWIN BALASA

MARCOS HI

RICARDO GA

RIZAL PROVINCIAL SECURITY DIVISION

SAN ISIDRO

SAN ROQUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with