^

Metro

Lalaki lasog sa tren

-

Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 46- anyos na lalaki matapos itong ma­sagasaan ng rumaraga­sang tren kahapon ng umaga sa Pandacan, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Romeo Gujeta, driver, bi­nata, at residente ng 2601 Jesus St., Pandacan.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa riles ng tren sa Philippine National Railways (PNR) sa Tomas Claudio St., Panda­can. Nautusan  umano ang nasawi  ng kanyang amo na kunin ang nakaparadang Starex van sa kabilang kanto kaya’t tumawid ito sa may riles ng tren subalit hindi umano napansin ng biktima ang rumaragasang tren (CMC-201) patungong Bicol kaya’t nasagasaan ito.

Dahil sa bilis ng natu­rang tren, nagkaputul-putol at nalasog ang katawan ng biktima na naging sanhi ng   agaran niyang kamatayan. Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan sa   driver ng naturang tren. (Gemma Amargo-Garcia)

AYON

GEMMA AMARGO-GARCIA

JESUS ST.

PANDACAN

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

ROMEO GUJETA

TOMAS CLAUDIO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with