Binata nabagot sa buhay, nagpakamatay

Isang 29-anyos na bi­nata ang nabagot sa dami ng problema sa buhay at nag­pasyang magpaka­matay sa pamamagitan nang pagbibigti, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si  Percival Andaya,  care­taker ng Kalookan Assis­tance Council Incor­porated (KACI) at residente ng #132 Lerma Street ng nabanggit na lungsod. Nagbigti ito sa isang puno ng santol sa naturang lugar.

Ayon sa kasamahan ng biktima na nakilalang si Ro­dante Garcia, stay-in em­ployee ng Philippine Na­tional Railways (PNR), na­kita na lamang niya ang bang­kay ng biktima na naka­bitin dakong alas-5:30 ng madaling-araw sa likod ng KACI Hall.

Nabatid na nitong mga nakaraang araw ay na­kitang balisa ang binata at laging sinasabi na nagsa­sawa na siya sa kanyang buhay dahil sa dami ng prob­lemang kanyang kina­ka­harap hanggang sa ma­tagpuan na lamang itong nagpakamatay. Pa­tuloy pa rin ang isina­sagawang im­bestigasyon sa kaso para alamin kung may naganap na foul play dito. (Lordeth Bonilla)

Show comments