Lola nilooban saka pinatay
Nilooban saka pinatay ang isang 71-anyos na lola na pensiyonada at nagpapautang umano ng five-six sa loob ng kanyang bahay sa Sampaloc,
Patay na nang matagpuan ang biktimang si Alegria Mercado, biyuda, tubong San Ildefonso, Bulacan at residente ng 2257-J San Jose St., Sampaloc.
Nagtamo ito ng tatlong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng di-nakilalang mga suspek na tumakas matapos ang insidente.
Batay sa ulat, nadiskubre ang krimen dakong alas-8:20 ng gabi nang dumating umano si Arnel, 40, anak ng biktima.
Narekober sa bahay ng biktima ang tatlong kutsilyong pinaghihinalaang ginamit sa pagpatay sa lola. Nawawala rin umano ang pitaka ng biktima na hindi alam kung magkano ang halaga ng laman nito.
Nabatid na pensiyonada ang biktima at ang pagpapautang ang pinagkakabuhayan nito. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending