Barbero binoga ng nakatitigan
Binaril at napatay ang isang 48- anyos na barbero matapos itong barilin ng isang lalaki na umanoy kanyang nakatitigan kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz Maynila. Nasawi habang ginagamot sa Metropolitan Hospital dakong alas-3:40 ng madaling-araw kahapon ang biktimang si Ronnie Rayo,48 at residente ng 1612 Mayhaligue St. ng nasabing lugar. Inaalam naman ng mga awtoridad ang pagkakilanlan sa suspek na tinatayang nasa gulang na 35 -anyos, katamtaman ang laki ng katawan at nakasuot ng polo barong. Ayon sa ulat, bumibili umano ng pagkain ang biktima dakong alas-9:50 ng gabi sa may sidewalk sa may kahabaan ng Mayhaligue St. corner Natividad St.,Sta. Cruz,Manila nang hindi sinasadyang napatingin ang biktima sa suspek na noon ay umiinom ng alak sa loob ng restaurant malapit sa tindahang binibilhan niya ng ulam. Maya-maya ay biglang lumabas ang suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima na tinamaan sa ulo at likod habang mabilis namang tumakas ang suspek dala ang kanyang ginamit na baril. (Gemma Amargo-Garcia)
Supervisor niratrat sa harap ng anak
Napatay sa harapan mismo ng kanyang 9- anyos na anak ang isang maintenance supervisor matapos itong tambangan ng hindi nakikilalang suspek habang papalabas sa kanyang pinagta-trabahuhan kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Edilberto Namingot, 43, maintenance supervisor ng isang storage ice plant at residente ng 2460 Malaya St., Balut, Tondo sanhi ng tama ng bala sa ulo, mukha at likurang bahagi ng katawan. Inilarawan naman ang suspek na lalaki na may edad sa pagitan ng 30-39, may taas na 5 hanggang 5’2’’, malaki ang pangangatawan, maiksi ang gupit ng buhok na may kulay, nakasuot ng kulay dilaw at blue na long sleeve. Ayon sa ulat, dakong
- Latest
- Trending