Haponesa kinidnap bago hinoldap
Matapos na pwersahang tangayin ay hinoldap pa ng malaking halaga ng salapi at personal na kagamitan ang isang 75-anyos na babaeng Japanese tourist ng tatlong nagpakilalang pulis, kamakalawa ng hapon sa
Ang biktima na kinilalang si Ikuko Masubuchi, pansamantalang naninirahan sa Rm. 812 Mabini Mansion, Mabini St. Ermita, Manila ay inagapayan kahapon ng isang Gng. Teodora Toda, 51, ng 2740 Faraday St., Brgy. San Isidro, Makati City sa Pasay City Police Criminal Investigation (CID) upang magharap ng reklamo laban sa umano’y mga nagpakilalang pulis.
Batay sa salaysay ng biktima sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali habang nakasakay ang una sa isang taxi na may plakang PXL-764 mula sa Mabini Mansion.
Nabatid na nakatakdang magpahatid sana umano ang biktima sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang alamin ang schedule ng pagdating ng kanyang kaibigan sa paliparan. Habang binabaybay umano ng nasabing taxi ang kahabaan ng Roxas Boulevard, malapit sa Japanese Embassy ay isang pulang van ang biglang humarang sa sinasakyan ng biktima.
Kasunod nito, dalawa sa tatlong lalaki na nagpakilalang pulis ang bumaba at nag-utos sa biktima na lumabas sa taxi at dito ay sapilitang siyang isinakay ng mga una sa naturang van. Sinabi pa ng biktima na habang nasa daan at lulan siya ng nasabing van ay sapilitang kinuha ng mga suspect ang kanyang dalang bag na naglalaman ng salaping yen, US dollar, travellers check at personal na kagamitan. Ayon pa sa biktima na pinaikut-ikot pa siya sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila bago mag-isang ibinaba sa Harrison Plaza.
Sa kasalukuyan ay isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng Pasay-PNP para tukuyin kung sino ang drayber ng taxi na sinakyan ng biktima upang magbigay-linaw sa naganap na insidente at maibigay ang impormasyon at pagkakakilanlan ng mga suspect. (Rose Tamayo Tesoro)
- Latest
- Trending