^

Metro

Retired US Navy ‘tinalo’ ng ka-live-in

-

Halos maglupasay sa sisi ang isang retired US Navy nang dumulog ito sa him­pilan ng pulisya makaraang umano’y simu­tin ng kanyang Pinay na live-in partner ang halos lahat ng kanyang kagamitan na uma­abot sa mahigit sa P1 milyon pati na ang malaking halaga ng kanyang salapi, kama­kalawa ng umaga sa Parañaque City.

Luhaang dumulog sa tanggapan ng Station Investigation Division (SID) ng Para­ña­que City Police ang biktimang si Peter Lawrence, 45, ng 1228 Leo St., Rembo Village II, UPS-5, Sucat, nabanggit na lungsod, upang pormal na magharap ng reklamo sa live-in partner nitong si Ma. Theresa Floresca, nasa hustong gulang.

Batay sa isinagawang imbestigasyon , dakong alas-11:30 ng umaga nang duma­ting ang biktima galing America at laking-gulat na lamang umano ng huli nang pag­pasok nito sa kanyang tinitirhan ay nadis­kubre niyang wala na ang suspect at parang dinaanan ng bagyo na nilimas ang lahat niyang kagamitan.

Sa pahayag ng biktima sa pulisya, ang mga gamit na tinangay ng suspect ay kinabibilangan ng 1 Macquintos computer, Sony HDR camera; Honda motorcycle XRM na may plakang IW-2298; Altex com­puter; sound system; Sony TV with stand, various clothes and linen; 1 external hard drive, electrical cooker; clip seat sub­woover; 5 bowels anwilkins stereo speaker, 2 mattresses at cash money na P180,000.00.

Ayon kay Lawrence, labis siyang nag­tiwala sa kanyang live-in partner kung kaya’t ganun na lamang niya ipinagkatiwala ang kanyang mamahaling kagamitan at salapi.

Sinabi pa ni Lawrence sa pulisya na sa kanyang sinapit ngayon ay talo pa umano niya ang isang nasunugan dahil pati lahat ng mga damit niya ay tinangay din ng suspect.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya para sa ikakaaresto ng nasabing suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

CITY POLICE

KANYANG

LEO ST.

PETER LAWRENCE

REMBO VILLAGE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

SONY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with