Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang negosyanteng Tsinoy sa loob ng silid nito sa hindi pa mabatid na dahilan, kahapon ng umaga sa Baesa, Quezon City.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Christopher Yu, 25, may-asawa, operations manager ng Arrcea Builders Corpora tion at residente ng #39 Louis St., Compound 7, Barangay Baesa ng nasabing lungsod.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, nadiskubre ang pagpapatiwakal ng biktima dakong alas-7:15 ng umaga ng mismong ina nito na si Cynbelin.
Sinabi nito na gigisingin na niya ang anak upang kumain ng almusal ngunit hindi ito tumutugon sa kanyang tawag.
Nang pasukin niya ang kuwarto ng anak ay doon na tumambad sa kanya ang bangkay nito na nakabigti. Dito na nito pinasok ang silid ng anak kung saan bumulaga rito ang nakasabit na bangkay.
Tumanggi naman ang pamilya Yu na magbigay ng pahayag sa pulisya ukol sa mga posibleng dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima habang wala rin namang narekober na anumang “suicide note”.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matiyak na walang naganap na foul play sa insidente. (Danilo Garcia)