^

Metro

Mayamang Tsinoy nagbigti

-

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbi­bigti ang isang negos­yanteng Tsinoy sa loob ng silid nito sa hindi pa ma­batid na dahilan, kahapon ng umaga sa Baesa, Quezon City.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Christopher Yu, 25, may-asawa, ope­rations manager ng Arrcea Builders Corpora­ tion at residente ng #39 Louis St., Compound 7, Barangay Baesa ng na­sabing lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nadiskubre ang pag­papatiwakal ng biktima dakong alas-7:15 ng uma­ga ng mismong ina nito na si Cynbelin.

Sinabi nito na gigisingin na niya ang anak upang ku­main ng almusal ngunit hindi ito tumutugon sa kan­yang tawag.

Nang pasukin niya ang kuwarto ng anak ay doon na tumambad sa kanya ang bangkay nito na naka­bigti. Dito na nito pinasok ang silid ng anak kung saan bumulaga rito ang nakasabit na bangkay. 

Tumanggi naman ang pamilya Yu na magbigay ng pahayag sa pulisya ukol sa mga posibleng dahilan  ng pagpapa­tiwakal ng biktima habang wala rin namang nareko­ber na anumang “suicide note”.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbesti­gasyon ang pulisya upang matiyak na walang na­ganap na foul play sa in­sidente. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARRCEA BUILDERS CORPORA

BAESA

BARANGAY BAESA

CHRISTOPHER YU

DANILO GARCIA

LOUIS ST.

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with