^

Metro

Friendster cop sinibak

-

Sinibak na ni Philippine Na­tional Police (PNP) Chief Direc­tor General Oscar Cal­ deron ang “Friendster cop” na nagpa­kita ng boobs sa in­ternet.

Ayon kay Calderon patuloy nilang iniimbestigahan ang kaso ng naturang female cop na itina­go sa pangalang “Queen Rubie”.

Si Queen Rubie, nakatalaga sa tanggapan ng PNP Chief sa Camp Crame ay nalagay sa hot water matapos na kumalat sa friendster nito ang indecent photo na nakasuot lamang ng bra na kulay pula.

Una rito, inamin ni Calderon na bumaba ang moral ng PNP partikular na ang mga babaeng pulis bunga ng insidente.

Kaugnay nito, tiniyak ni Calderon na papatawan pa rin ng PNP ng kaukulang kaparu­sahan si Queen Rubie sakaling mapatunayang ito ang nag-upload sa internet ng mapang-akit niyang larawan na hindi akma para sa respetadong babaeng pulis. Ang nasabing female cop ay nahaharap sa kasong grave misconduct at conduct unbecoming an officer na sa sandaling mapa­tuna­yang guilty ay maaring mapa­talsik sa serbisyo.

Nabatid pa na ang kaso ni Queen Rubie ay dedesisyunan rin ng National Police Commis­sion (NAPOLCOM). (Joy  Cantos)

vuukle comment

CAMP CRAME

CHIEF DIREC

GENERAL OSCAR CAL

NATIONAL POLICE COMMIS

PHILIPPINE NA

QUEEN RUBIE

SHY

SI QUEEN RUBIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with