Magpinsan todas sa mag-utol
Kapwa nasawi ang magpinsan na dumalaw lamang sa kanilang lola nang pagtulungang pagbabarilin ang mga ito ng magkapatid kahapon ng madaling-araw sa
Namatay noon din mismo sa pinangyarihan ng insidente bunga ng mga tama ng mga bala sa kaliwang pisngi, ulo, dibdib at tiyan ang mga biktimang sina Rizalito de Guzman, 35; at ang pinsan nitong si Raymond Mendiola, 20, na namatay bunga ng isang tama ng bala sa batok.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw
Samantala, ang mga magkapatid na suspect na kinilalang sina Ramilo,alyas “Jun-jun” at Ramiro Gaa, alyas “Ron-ron” kapwa residente ng 2290 F. Victor St., ay kapwa mabilis na tumakas dala ang baril na 9mm pistol, .38 kalibre ng baril matapos ang ginawang pamamaslang sa mga biktima.
Nabatid na dumalaw lamang sa bahay ng kanilang lola sa F. Victor St. ang magpinsan at pauwi na sana ang mga ito nang masaksihan ang ginawang pamamaril ng suspect na si Ramilo sa dalawang residente na sina Manuel Ilagan, 20; at Herminia Sylva, 50.
Tinangkang awatin ni De Guzman ang suspect at nakipag buno ito upang agawin kay Ramilo ang baril. Habang nag-aagawan ng baril, dumating naman ang kapatid ng suspect na si Ramiro at pinagbabaril si De Guzman, kasunod nito, pinagbalingan naman ang pinsan nitong si Mendiola na pinagbabaril din hanggang sa tamaan sa batok.
Nang makitang nakahandusay ang duguang mag-pinsan ay agad namang tumakas ang magkapatid na suspect dala ang ginamit na mga baril sa pamamaslang sa mga biktima. Narekober naman ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa scene of the crime ang mga basyo ng bala ng mga baril na ginamit ng mga suspect sa nasabing krimen. Isang manhunt operation naman ang inilunsad ng pulisya laban sa tumakas na mag-utol. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending