^

Metro

Kampanya vs illegal parking   sa QC, ikinasa ni SB

-

Naglunsad ng all out war campaign si Quezon City Mayor Feliciano “SB” Bel­monte laban sa mga sasakyan na ilegal na nakahimpil sa mga sidewalks at mga lansangan sa QC.

Ayon kay Mayor Belmonte, kasama sa hakbanging ito ang pagtatanggal din sa mga ilegal na straktura na naitayo sa mga sidewalks at daan na nagiging ugat ng trapik at nakakaabala sa daloy ng trapiko.

Inatasan ni Belmonte ang mga tanggapan sa QC hall na imonitor at ilista ang lahat ng mga lansangan sa lunsod na kakikitaan ng mga illegal structures at mga sasakyan na ginagawa ng parking area ang mga daan.

Kaugnay nito, inatasan ni Belmonte ang City Secretary’s Office at ang Novaliches Dis­trict Center OIC Tadeo Palma na humanap ng impounding area sa district 2 para pagla­gakan ng mga ma-iimpound na sasakyan kaugnay ng kam­panyang ito.

Ang pondo anya na ibaba­yad sa naturang impounding area ay magmumula sa re­trieval fees ng mga may-ari ng sasakyan na makukumpiska. May P2,000 halaga ang penalty para sa impounding vehicles at kumpiskadong plaka ng sasakyan. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BELMONTE

CITY SECRETARY

MAYOR BELMONTE

NOVALICHES DIS

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

TADEO PALMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with