^

Metro

Friendster cop isinalang na sa imbestigasyon

-

Isinalang na sa internal in­ves­tigation ng Philippine Na­tional Police (PNP) ang tinagu­riang “Friendster cop “na ku­malat ang malaswang larawan na nakasuot  ng kulay pulang bra sa website.

Kahapon ay inamin ni PNP Chief Director General Oscar Calderon na bumaba ang moral ng mga pulis partikular na ang mga babae sa kanilang hanay matapos sumingaw ang indecent photo ng isang itinago sa alyas na Queen Rubie.

Si Queen Rubie, isa sa mga policewoman na nakata­laga sa tanggapan ni Calderon sa Camp Crame ay nahaharap sa kasong grave misconduct at conduct unbecoming an officer na sa sandaling mapatuna­yang guilty ay maaaring ma­patalsik sa serbisyo.  Ang na­sabing lady cop ay nagtapos sa Misamis Uni­versity. Sinabi ni Calderon na itinanggi ni Queen Rubie na siya ang na­sabing lady cop na siya ang nasa larawan at nag-upload ng naturang indecent photo sa kaniyang friendster account, gayunman sinisimulan na ang imbestigasyon ukol dito.

Samantala, nakakatanggap naman ngayon ng sunud-sunod na pagbabanta sa buhay ang ina ng 9-anyos na batang babae na unang nakakita sa mga mala­laswang larawan ng nasabing policewoman.

Nabatid kahapon ng PSN mula sa tanggapan ni Napol­com Commissioner Bernardo Calibo na mula nang ibunyag ni Gng. Corazon Santos ng Cainta, Rizal ang nasabing ma­lalaswang lara­wan ng naturang Queen Rubie  na nasa edad 30 at may rang­gong P02 ay may mga aali-aligid ng grupo ng hindi kilalang kala­lakihan sa labas ng kanilang bahay.

Bunga nito ay humihingi naman ng tulong si Santos sa mga mamamahayag na tulu­ngan silang mabigyan ng protek­siyon partikular na ang 9-anyos na anak nitong babae. Si Gng. Santos ang tumata­yong com­plainant sa kasong isasampa laban kay Queen Rubie. (Joy Cantos at Rose Tamayo-Tesoro)

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

COMMISSIONER BERNARDO CALIBO

CORAZON SANTOS

JOY CANTOS

MISAMIS UNI

PHILIPPINE NA

QUEEN RUBIE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with