^

Metro

‘Martial Law’ sa Metro?

- Joy Cantos -

Martial law na nga ba sa Metro Manila?

Ito ang kuwestiyon ng mga progresibong  militan­teng gru­po kasunod ng naka­ takdang pagde-deploy muli ng mga tauhan ng AFP-Na­tional Capital Region Com­mand (AFP-NCRCOM)  ng daan-daang mga sundalo sa 14 kritikal na lugar par­tikular na sa mga slum areas sa Metro Manila sa loob ng linggong ito.

Ito’y matapos ang pagpa­pa­tupad ng anti-terror law nitong linggo upang durugin ang mga teroristang grupo at mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nagka­kan­long at nagre-recruit sa mga slum areas sa Kamaynilaan.

Nauna nang  pagpapa­kalat ng may 100 tropa ng militar sa Quezon City at Taguig City  na inayunan naman ng mga opisyal sa nabanggit na mga lungsod.

Ayon kay  AFP-NCRCOM Chief, Major Gen. Ben Dolor­fino, ang desisyon ay alinsu­nod sa kahilingan ng mga opisyal ng barangay na nais ang presensya ng mga sun­dalo sa Metro Manila.  Sinabi nito na sa kasalukuyan ay isinasapinal na ang pagpapa­kalat muli ng tropa ng militar kung saan nakikipag-ugna­yan na sila sa mga alkalde ng lungsod.

Sinabi ni Dolorfino na ang mga sundalo ay ide-deploy sa 14 pang lugar sa Maynila upang tumulong sa pagbi­bigay seguridad sa mga resi­dente nito matapos namang maisa­pinal na ang anti-terror law noong linggo.

“Sinigurado nating ito ay may consent ng city mayors. Sini­gurado natin yan pati sa PNP, we made sure coordi­nated yan down to the station level,” dagdag ni Dolorfino.

BEN DOLOR

CAPITAL REGION COM

CITY

DOLORFINO

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with