Inaasahang magdudulot ng lubhang pagsi sikip ng trapiko sa kahabaan ng EDSA ang kilos-protesta na nakatakdang ilunsad ng libo-libong mga motorcycle riders sa Biyernes laban sa planong pagpapatupad ng helmet-sticker policy ng Metropolitan Manila Development Authority.
Sinabi ni Atoy Sta. Cruz, tagapagsalita ng Motorcycle Federation of the Philippines na sinasabing may 200,000 miyembro, nakakuha na sila ng permit sa Makati City Hall para sa kilos-protesta sa tapat ng gusali ng MMDA sa Guadalupe, Makati.
Hihilingin nila sa mga awtoridad na ihinto ang pagpapatupad ng patakarang nag-oobliga sa mga nagmamaneho ng motorsiklo na magkabit ng sticker ng numero ng plaka ng kanilang sasakyan sa kanilang helmet. (Danilo Garcia)