^

Metro

Trader utas sa motorcycle gang

-

Pinagbabaril hang­gang mapatay ng apat na hinihinalang miyem­bro ng kilabot na motorcycle gang ang isang 43-anyos na negos­yante makaraang hol­dapin nila ito at kuhanan ng P80,000 cash sa Valenzuela City ka­hapon ng umaga. 

Wala nang buhay nang maisugod sa  Novaliches General Hospital ang biktimang si  Joselito Casimiro ng Barangay Bignay ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa dibdib at hita nito buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Sinabi ng pulisya na, habang sakay ng kanilang Izusu Elf van na nakaparada sa ha­rap ng kanilang bahay sina Casimiro at kan­yang asawa bandang alas-6:30 ng umaga, biglang lumapit ang mga suspek at hinablot ang bag ng ginang na naglalaman ng pera. Pumalag ang biktima na ikinairita ng isa sa mga suspek at binaril ang negosyante bago tumakas lulan ng kanilang motorsiklo at tangay ang P80,000.

vuukle comment

BARANGAY BIGNAY

CASIMIRO

IZUSU ELF

JOSELITO CASIMIRO

NAGTAMO

NOVALICHES GENERAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with