^

Metro

Rape victim nagpatiwakal

-

Isang 15 anyos na dalagita ang nagpa­ka­matay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason dahil hindi nito nakayanan ang ma­­tinding kahihiyan matapos itong ga­hasain kahapon ng madaling-araw sa Malabon  City.

Patay na nang idating sa Pagamutan Bayan ng Malabon ang biktimang si Maria Jessica Guerrero, estudyante at resi­dente ng #58 C. Arellano St., ng na­banggit na lungsod.

Ayon sa report ni PO2 Bobby Mario Egera, may hawak ng kaso, bandang ala-1:00 ng madaling-araw nang ma­ tagpuan ang bumubulang bibig ng bik­tima sa loob ng bahay nito sa naturang lugar.

Batay sa naging pahayag ng ina ng bik­ tima na si Elizabeth, 41, nakita niya ang kanyang anak na bumubula ang bibig at hirap na hirap sa paghinga kaya agaran niya itong dinala sa nasabing pagamutan subalit sa daan pa lamang ay namatay na ang dalagita.

Ayon pa sa ina ng biktima, bago ma­ganap ang insidente, pinagsamanta­lahan umano ito ng isang nagnga­ngalang Rey Ocampo sa loob ng bahay nito sa Pan­dacan, Manila noong Hulyo 9 ng taong kasa­lu­kuyan. Ipinagharap nila ng kasong rape ang suspek sa Manila  Pro­secutor’s Office.

“Hindi siguro nakayanan ng aking anak ang nangyari sa kanya kaya naisipan nitong wakasan na ang kanyang buhay,”  wika pa ng ina ng biktima.

Hinihinala ng pulisya na, dahil sa ma­­tinding trauma at kahihiyan, nagawa ng biktima na kitlin ang sariling buhay.

Gayunman, nagsasagawa pa rin ang mga awtoridad ng masusing imbestigas­yon upang mabatid kung sadyang umi­nom ng lason ang biktima o may naganap na foul play. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARELLANO ST.

AYON

BOBBY MARIO EGERA

LORDETH BONILLA

MALABON

MARIA JESSICA GUERRERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with