^

Metro

Supervisor pinagbintangan nagnanakaw, nagbigti

-

Labis na dinamdam umano ng isang warehouse supervisor ang paghihinala sa kanya ng namamahala sa kompanyang pinagli­lingkuran na siya ay nagpupuslit ng mga produkto kung kaya’t mas minabuti umano ng una na kitlin ang sariling buhay sa pama­magitan ng pagbibigti sa loob mismo ng warehouse, kahapon ng umaga sa Makati  City.

Lawit ang dila nang matagpuan ang nakabitin na bangkay ng biktima na si Johnny Hizon, 50, sa warehouse ng pinagli­ling­kuran nitong kompanya sa  Vito Cruz Ext., Brgy. Sta Cruz, nabanggit na lungsod. Lumalabas sa ulat na bago umano natagpuan ang bangkay ng biktima ay nagkaroon muna ng pagpupulong sa kanilang kompanya kamakalawa ng gabi kaugnay sa nawawalang mga gamit at mga produkto kung saan ay labis umanong naser­munan ang biktima.

May teyorya naman ang pulisya na posibleng labis na dinam­dam ito ng biktima at hindi na rin nito nakaya ang kahi­hiyang dinanas na nag-udyok sa kanyang ginawang pagpa­patiwakal.

 Nabatid pa na ang biktima ay matagal ng naglilingkod sa nasabing kompanya at dito na rin ito nakatira sa loob ng warehouse. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BRGY

JOHNNY HIZON

LAWIT

LUMALABAS

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

STA CRUZ

VITO CRUZ EXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with