^

Metro

Bilang ng nagkaka dengue tumataas

-

Muli na namang nakapag­tala ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng kaso ng mga tinamaan ng dengue sa mga pagamutan sa kalakhang Maynila ngayong buwan ng pagpasok ng tag-ulan.

Sa talaan ng DOH luma­labas na mula Hulyo 1-8, uma­bot na sa 19 na kaso ang ka­nilang naitala mula sa Rizal Medical Center sa Eastern Metro Manila at karamihan sa mga biktima dito ay puro mga bata.

Sa mga naturang bilang, apat dito ang positibo sa dengue at isang 10 taong gulang ang may stage 2 hemorrhagic fever.

Samantalang sa  lungsod ng Pasig galing ang karami­han sa mga pasyente na bik­tima ng sakit na dengue.

Ang iba naman na na-con­fine  sa Rizal Medical Center ay buhat sa Taguig, Pateros, at mga lungsod ng Makati at Antipolo.

Sa Amang Rodriguez Me­dical Center naman sa Mari­kina City, anim na ang naita­lang nagka-dengue sa bu­wang ito. Dahil dito kaya’t mu­ling hinikayat ng mga opisyal ng DOH ang mga residente na gawin ang lahat ng preventive steps upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Nilinaw naman ng DOH na hindi lamang umano sakit dala ng tag-ulan ang dengue dahil umaatake na rin ang lamok na nagtataglay ng dengue sa buong taon. Ang malinis uma­nong kapaligiran ang susi upang malabanan ang dengue upang hindi dumami ang la­mok na nagtataglay ng dengue. (Gemma Amargo-Garcia)

DENGUE

DEPARTMENT OF HEALTH

EASTERN METRO MANILA

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with