^

Metro

1,200 na mga baril sinunog ng PNP

-

Sinunog ng Philippine Na­tional Police ang mahigit 1,200 iba’t ibang kalibre ng mga baril kasabay ng selebrasyon ng ika-anim na anibersaryo ng United Nations Conference on the Illicit Trade in Small arms and Light Weapons in all its aspect”, ka­hapon sa Camp Crame.

Pinangunahan ni DFA Assistance Secretary for United Nations and other international organizations Evan Garcia ang naturang panununog kasama sina Ambassador Florencio Fianza, special envoy on trans­national crime at Jasmin Nario Galaca na siya namang execu­tive director ng Philippine Action Network on Small Arms.

Sinabi ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Calderon, ang akti­bidad ay bahagi ng program of action ng pamahalaan upang maiwasan, labanan at buwagin ang mga ilegal na bentahan ng mga baril sa bansa.

Ito anya ay bahagi ng inter­national commitment ng Pilipi­nas upang makontrol ang ilegal na paggawa ng mga baril.

Tiniyak naman ni Firearms and Explosives Division head, Chief Supt Florencio Caccam, ang naturang aktibidad ay si­mula lamang ng kanilang ak­syon kung saan 33,000 piraso pa ng mga unser­vice­able fire­arms ang na­ka­takdang sunugin.

Samantala, inamin din ka­hapon ni Civil Security Group Director, Chief Supt. Romeo Ricardo na  may ilang legitimate gun dealers  ang kanilang mina­manmanan dahil sa posibilidad ng pagkaka­sangkot sa gun smuggling. Si­nabi ng opisyal na patuloy pa ang kanilang imbes­tigasyon sa mga legitimate gun dealers na pansamantala nitong hindi tinukoy ang pangalan.

Ayon kay Ricardo na ilan sa mga ito ay nagpupuslit ng mga baril sa pamamagitan ng mis­declaration. (Edwin Balasa)

AMBASSADOR FLORENCIO FIANZA

ASSISTANCE SECRETARY

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CHIEF SUPT FLORENCIO CACCAM

CIVIL SECURITY GROUP DIRECTOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with