^

Metro

Pekeng ISAFP colonel, aide timbog

-

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Southern Police Dis­trict (SPD) at Intelligence Ser­vices of the Armed Forces of the Phil.  (ISAFP) operatives ang isang nagpanggap na ISAFP colonel at umano’y aide nito, ka­makalawa ng hapon sa Taguig City.

Kasalukuyang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng operatiba kung may kinalaman sa Jonas Burgos kidnapping ang mga suspect na si Orlando Pablico, 48, tubong-Ilocos Sur, pansamantalang naninirahan sa 12 Karingalan St., Joseph Subd. at ang aide nito na si Ursenio Fa­burada, 50-anyos na resi­dente naman ng MB-18 Room 404, 4th Floor, BCDA, ng nabang­git na lungsod.

Sa panayam ng PSN kay Senior Supt. Jaime Calungsud, OIC Director ng SPD, ang mga suspect ay naaresto sa isinaga­wang entrapment operation ng mga nabanggit na operatiba dakong alas-2 ng hapon sa isang gasoline station sa C-5 Road, Taguig City.

Nabatid pa kay Calungsud na nag-ugat ang pagkakahuli sa mga suspect makaraang ma­ging positibo ang ibinigay na impormasyon sa kanila ng isang impormante.

Ayon kay Calungsod na suot pa ang uniporme ng isang ISAF colonel na may nakakabit na iba’t  ibang medalya at insignia nang maaresto si  Pablico at nakuha rin sa kanilang poses­yon ang iba’t ibang ka­libre ng baril na kinabibilangan ng dala­wang .45 caliber at isang .38 caliber revolver.

Bukod pa rito ay nabawi rin ng operatiba ang marked money  na ginamit ng isang poseur buyer na nagpanggap na bibili sa mga nabanggit na suspect ng armas, pati na ang bulto ng mga pekeng ID ng ISAFP na ipina­mumudmod ng mga huli sa kanilang mga recruits.

Nang tanungin naman ng PSN si Pablico, sinabi nito na pag-aari ng namatay niyang tiyu­hin na si ISAF colonel Or­lando Pablico na dating naka­talaga sa Army Intelligence Unit ng Southern Command, Zam­boanga City ang nasabing uni­porme o insignia na suot niya. (Rose Tamayo-Tesoro)

ARMED FORCES OF THE PHIL

ARMY INTELLIGENCE UNIT

ILOCOS SUR

PABLICO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with