^

Metro

Mister napikon sa bungangerang misis, nagsaksak sa sarili

-

Dahil sa umano’y pagka­ kun­­sume sa pagbubunganga ng kanyang misis, nagtang­kang magpakamatay ang isang mister nang saksakin nito ang sarili sa gitna ng pakikipagtalo sa kanyang asawa,  kama­kalawa ng gabi sa Quezon City.

Hindi naging matagumpay ang pagpapakamatay matapos na mailigtas ng mga mangga­gamot ng Quirino Memorial Medical Center si Rodolfo Ordones, 21, ng #129 Bignay Street, Project 2, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ni Ordones kung saan nakaaway nito ang asawang si Marivic dahil sa problema sa paghihirap ng kanilang pamilya.

Humantong sa sigawan at pagsisihan kung bakit pa sila nagpakasal sa kabila ng hirap na daranasin hanggang sa mag­hamon ang mister na mag­papakamatay na lang upang ma­wala na ang problema ni misis.

Hindi naman umano tumigil sa kadadakdak ang misis hang­gang sa magtungo sa kusina si Rodolfo, kumuha ng kutsilyo at inundayan ng saksak ang sarili.  Dito lamang nata­uhan si Marivic at mabilis na isinugod sa pagamutan ang kanyang mister na naagapan naman ng mga manggagamot. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BIGNAY STREET

DAHIL

DANILO GARCIA

MARIVIC

QUEZON CITY

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

RODOLFO ORDONES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with