Patay natagpuan sa silid

Isang masusing imbestigasyon  ang isina­sagawa ngayon ng Manila Police District sa pag­kamatay ng isang 58-anyos na lalaki na natag­puang patay sa loob ng kanyang kuwarto sa Pandacan, Maynila kahapon ng umaga.

Hinihinalang may ilang oras nang patay nang madiskubre ang biktimang si Jaime Mangabat, binata, underwriter assistant ng Commonwealth Insurance at residente ng 1026 A. Callejon corner Jesus St.,  Pandacan, Manila.

Huling nakitang buhay ang biktima nang mag­karoon ito ng dalawang bisitang lalaki kamakalawa ng gabi. Bagaman walang palatandaang sinaktan o pinahirapan ang biktima, inaalam din kung may kaugnayan ang dalawang bisita nito sa kanyang  pagkakamatay.   (Doris M. Franche)

Show comments