Patay natagpuan sa silid
Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng Manila Police District sa pagkamatay ng isang 58-anyos na lalaki na natagpuang patay sa loob ng kanyang kuwarto sa Pandacan, Maynila kahapon ng umaga.
Hinihinalang may ilang oras nang patay nang madiskubre ang biktimang si Jaime Mangabat, binata, underwriter assistant ng Commonwealth Insurance at residente ng 1026 A. Callejon corner Jesus St., Pandacan, Manila.
Huling nakitang buhay ang biktima nang magkaroon ito ng dalawang bisitang lalaki kamakalawa ng gabi. Bagaman walang palatandaang sinaktan o pinahirapan ang biktima, inaalam din kung may kaugnayan ang dalawang bisita nito sa kanyang pagkakamatay. (Doris M. Franche)
- Latest
- Trending