MJ: “Si Carol ang umabuso sa akin”
Ang negosyante at dating kongresistang si Mark Jimenez ang inabuso umano ng live-in partner niyang si Carolyn Castañeda at ng pamilya nito noong nakakulong pa siya sa Amerika.
Ito ang sinabi sa mga mamamahayag ng abogado ni Jimenez na si Frank Chavez bilang paglilinaw sa akusasyon ni Castañeda na inabuso ito ng dating mambabatas noong nagsasama pa sila.
Ayon pa sa abogado, live-in partner lang ni Jimenez si Carol sa Pilipinas dahil hindi kinikilala sa bansa ang kasal ng mga ito sa Amerika.
Tiniyak ni Chavez na itutuloy ni Jimenez ang pagsasampa ng mga kasong estafa, swindling at rocketeering laban kay Carol, kapatid nitong si Rose Flaminiano at maging sa kanyang mga anak na sina Virgilio Crespo, Marcel Crespo, Myla Crespo-Villanueva at ang manugang na si Generoso Villanueva at pamangkin na si Jocelyn Crespo.
Sinabi rin ni Chavez na hindi totoo ang ipinalalabas ni Carol na ginigipit siya ni Jimenez sa pera, dahil ang katotohanan ay maluho umano ito. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending