QC scholar  padadamihin

Inihayag kahapon ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte na patataasin niya ang bilang ng mga city scholars nang 20,000 hanggang taong 2010 upang matulungan ang mga mahihirap na  high school graduates na makapagtapos ng pag-aaral sa college at tuloy magamit nila ito sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan sa hinaharap.

Sa kasalukuyan, ang pamahalaang-lunsod ay may 12,000 scholars  ngayong school year  2007- 2008  at may 3,000 bagong mga iskolars.

Ang benepisyaryo ng city’s scholarship and youth development program ng lunsod ay may financial grant  na P4,000 para sa  tuition fee  at P1,000 stipend.

Ang isang aspiring beneficiary ay kailangang graduate ng alinmang public school at residente sa Quezon City at may school average na 85 percent o mas mataas pa. (Angie dela Cruz)

Show comments