^

Metro

2 Koreano sabit sa mail-order bride

-

Isinampa kamakalawa ng National Bureau of Investi­gation sa Makati City Prose­cutor’s Office ang kasong kriminal laban sa dalawang Koreano at apat na babaeng bugaw na dawit sa ilegal na operasyon ng mail-order-bride sa Koreaat bumi­biktima ng mga Pilipina.

Kinilala ni NBI-Special Action Unit Regional director Vicente de Guzman III ang mga akusadong Koreano na sina Seung Han Lee at Moo Hwan Lee na nanunuluyan sa  San Miguel Village, Makati City.

Inihabla rin ng NBI ang mga Pilipinang bugaw na sina Susana Obano ng Napico, Pasig City; Girlie Alayon ng  Taytay, Rizal;  Jane Mahusay ng Silang, Cavite; at isang Marlene  Ambasan.

Naakusahan ang anim na suspek sa pagbebenta ng mga kabataang Pilipina sa mga Koreano sa pamama­gitan ng  “mail-order.

Nadakip ng NBI sa isang entrapment operation noong nakaraang linggo ang mga suspek maliban kay Ambasan na nakatakas.  (Evelyn Z. Macairan) 

AMBASAN

EVELYN Z

GIRLIE ALAYON

JANE MAHUSAY

KOREANO

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with