^

Metro

Kawalan ng ‘sprinkler system’ nagpalala sa sunog sa MARINA

-

Dahil sa kawalan uma­no ng “sprinkler system” at iba pang mga kagamitan laban sa sunog ang naging dahilan ng tuluyang pag­katupok ng gusali ng Ma­ritime Industry Authority (MARINA), ayon kay Manila Fire Bureau chief, Sr. Supt. Pablito Cordeta.

Sinabi ni Cordeta na na­­agapan sanang ma­apula agad  ang sunog kung may “sprinkler” sa bawat palapag ng PPL building at kung merong sariling fire brigade  ang MARINA.  Inamin rin nito na kapos sila sa kagamitan tulad ng aerial ladder kaya hindi naabot ng tubig ang mga palapag na nilalamon ng apoy.

Sa kabila nito, sinabi ni Cordeta na hindi dapat sisihin ng mga tao ang mga bumbero dahil sa naturang sunog na tumagal ng halos 2 araw dahil sa muling pagli­liyab ng apoy.  Sinabi nito na kasalanan umano ng mga empleyado at opisyales ng gusali ang pagsisimula ng sunog at kawalan ng emergency anti-fire equipments  ha­bang tumutulong lamang ang mga bumbero na ma­apula ito.

Ang problema umano sa naturang gusali ay mas matanda pa ito sa Fire Code of the Philippines  kaya wala pa itong sprinkler system nang maitayo at hindi rin nagawan ng pa­raan ng MARINA na mag­lagay nito. (Danilo Garcia)

CORDETA

DANILO GARCIA

FIRE CODE OF THE PHILIPPINES

INDUSTRY AUTHORITY

MANILA FIRE BUREAU

PABLITO CORDETA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with