Girl with a Monogram handbag meets 1920s Latin boy
Isa na namang pasaway na pasaherong babae ang inaresto ng mga tauhan ng Aviation Security Group (ASG) at hindi pinaalis sa bansa matapos na magbiro na may dalang bomba sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng umaga.
Nakatakdang sam pahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 o false bomb threat ang suspect na kinilalang si Lea Christine Silverio, 28.
Si Silverio ay pinalabas ng mga flight attendant matapos itong magbiro na may dalang bomba sa kanyang bagahe habang sakay ng papaalis na Korean Air flight 8624 patungong Korea sa NAIA- Terminal 1.
Nang bitbitin ang pasaherong babae papalabas ay inasar pa uli nito ang mga operatiba ng ASG at ibang airport personnel habang nasa Gate 6 sa Terminal 1 at sinabing baka sumabog ang dala niyang bomba sa bag. Wala namang nakitang bomba sa bagahe ng suspect sa isinagawang manual checking subalit hindi ito pinatawad dahil sa pagdidiin na may dala siyang bomba.
Nito lamang nakalipas na linggo dinakip din si Thomas Kusam, ng
- Latest
- Trending