^

Metro

Designer diet secrets

CULTURE VULTURE - Therese Jamora-Garceau -

Isa na namang lalaki ang nasawi ma­ka­ra­ang makipagpatintero at mabundol ng humahagibis na bus habang sabog umano sa rugby kahapon ng umaga sa EDSA, Balintawak, Quezon City.

Agad na nasawi makaraang mabagok ang ulo at magkabali-bali ang buto ng bikti­mang nakilala lamang sa alyas na Cri­santo, nasa pagitan ng edad na 20-25 an­yos at isa umanong palaboy sa Balintawak Market.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Traf­fic Bureau, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa gitna ng EDSA sa harapan ng naturang palengke. Pabalik-balik na tumatawid ang biktima sa north­bound lane ng EDSA matapos na maka­karga umano ng rugby.

Nahagip naman ito ng rumaragasang bus ng Philippine Rabbit na may plakang (SVN-903).  Hindi naman huminto ang hindi pa nakikilalang driver nito at pinasi­bad ang bus upang takasan ang naaksi­dente nito. Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ng ilang metro ang biktima sa kalsada at nagpagulung-gulong sanhi ng pagkakalasug-lasog ng katawan nito.

Nagsasagawa naman ngayon ng im­bestigasyon ang pulisya sa pamunuan ng Philippine Rabbit upang makilala ang driver ng naturang bus at mapanagot sa naturang insidente. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BALINTAWAK

BALINTAWAK MARKET

CRI

DANILO GARCIA

PHILIPPINE RABBIT

QUEZON CITY

QUEZON CITY TRAF

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with