^

Metro

Yap hopes to strengthen agri ties with N Zealand

- Marianne V. Go -

Patay  ang isang jeepney driver makaraang barilin ng dalawang holdaper na nambiktima sa kanya at sa mga pasaherong sakay nito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad na nasawi dahil sa tama ng bala ng baril  sa ulo  ang biktimang nakilalang si Reynaldo Backong, 39, #21 Kingswood Street , Brixtonville, Camarin ng nabanggit na lungsod.

Nakilala naman ang mga pasahero nito na nabiktima rin ng mga holdaper na sina Noriel Ybona ng #68 Sikatuna Street, Urduja Village, Camarin; Jeorge dela Cruz, 48 at ang asawa nito na si Lourdes, 41, na nakatira sa #4525 Libra Street, Maria Luisa Subdivision, Camarin, ng naturang lungsod.

Nagawa namang makatakas ng tatlong hindi pa nakikilalang holdaper tangay ang mga salapi at mahahalagang gamit na nakulimbat ng mga ito.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa loob ng pinapasadang jeep (TWL-197) na minamaneho ni Backong.  Nagpanggap na mga pasahero ang mga suspek ngunit nang sumapit sa Capt. Samano Street sa Camarin ay nagdeklara ng holdap ang mga ito.

Agad na nilimas ng mga suspek ang mga ari-arian ng mga pasahero maging ang kinita ng driver.  Inutusan naman ng mga holdaper si Backong na ihinto ang jeep ngunit hindi ito tumalima at pinasibad pa ang jeep kaya binaril ito sa ulo ng isa sa mga suspek. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BACKONG

DANILO GARCIA

KINGSWOOD STREET

LIBRA STREET

MARIA LUISA SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with