^

Metro

Seaweed exporters seek government help to soften impact of strong peso

- Marianne V. Go -

Hindi  umubra ang ibi­nigay na rekomendas­yon ni Pangulong Gloria Ma­capagal-Arroyo na hepe ng Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP) matapos na pa­litan ito dahil sa umano’y paglabag nito sa panun­tunan ng Civil Service Commission (CSC) sa kakulangan ng eligibility nito.

Natapos ang pamu­mu­no bilang hepe ng BJMP kahapon ni C/Supt. Armando Llamasares ma­karaang magwakas  ang 60 araw na “tempo­rary restraining order (TRO)”  na isi­nampa nito sa Court of Appeals. Awtomatiko naman na papalit sa pu­westo nito si C/Supt. Clarito Jover, ang dating Deputy for Administration ng BJMP.

Base sa rekord, na­kaupo si Llamasares bilang hepe ng BJMP matapos na makakuha ng rekomendasyon buhat kay Pangulong Arroyo at ideklara ni Department of Interior and Local Go­vern­ment Undersec­retary  for Public Safety Marius Corpus base sa isang memorandum.

 Nagsampa naman ng kaso si Jover laban kay Llamasares sa Quezon City Regional Trial Court ng kasong falsification of public documents at graft dahil sa pag-upo nito sa puwesto bilang hepe ng BJMP sa kabila na wala umano itong third level civil service elegibility  at sobra na sa edad na 56-anyos.

Nagpalabas naman ang korte ng desisyon na ilegal ang pag-upo ni Llamasares at inatasan si Jover na siyang manung­kulan bilang hepe ng BJMP. Sa kabila nito, uma­­­pela naman  ng kam­po ni Llamasares sa Court of Appeals na nag­palabas ng TRO.

 Nagpadala naman ng liham si CSC Chair­person Karina Constan­tino David kay Pangulong Arroyo na inihahayag ang umano’y paglabag ni Llamasares sa Profes­sionalization Act of 2004 at ang R.A. 9263 kung saan nakasaad: “Any per­sonel of the BFP and the BJMP shall not be eligible for promotion to a higher rank unless he/she has met the minimum qualifi­cation standard or the appro­priate civil ser­vice eligi­bility set by the CSC”.

Nanawagan naman si Jover sa mga “junior offi­cial” ng BJMP na sana’y hindi makaapekto ang naga­ganap na kagu­luhan sa mga matataas na opisyal at magpatuloy sa kanilang serbisyo sa pub­liko. (Danilo Garcia)

COURT OF APPEALS

JOVER

LLAMASARES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with