^

Metro

Bright prospects for RP’s VCO

- Donnabelle L. Gatdula -

Isang negosyanteng Intsik na si Johnson Ian Ang ng Shinzen Trading ang nag­sampa ng kasong qualified theft sa prosecutor’s office ng Malabon laban sa kanyang sales agent na si Vito Alisoso na tumangay umano sa kan­yang motorsiklo at nanggoyo sa kanya ng perang pang­gastos sa pagliliwaliw ng suspek sa isang lalawigan.

Sinabi ni Ang sa kanyang reklamo na nagprisinta si Alisoso na pumunta sa Le­gaspi, Albay noong Marso 6 para maghanap ng po­sib­leng kliyente.

Hiniram pa ni Alisoso ang motorsiklo ni Ang at humingi ng P5,500 na allowance su­balit matapos ang halos isang linggo ay humirit pang muli si  Alisoso ng karag­da­gang P5,000.

Bagamat pinagbigyan, inutusan na ni Ang ang kan­yang empleyado na  bumalik na lamang sa Maynila.

Kasabay nito, nag­pa­saklolo pa ang asawa ni Ali­soso ng karagdagang pera dahil hindi naman umano nag-iwan ng pambili ng gatas para sa kanilang  anak ang kanyang asawa.

Subalit matapos ito ay hindi na nagpakita pa si Alisoso at wala na ring balita si Ang sa kinaroroonan nito. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALBAY

ALI

ALISOSO

JOHNSON IAN ANG

LUDY BERMUDO

SHINZEN TRADING

SHY

VITO ALISOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with